Minsan mahirap umusad o tumigil, kapag hindi mo alam kung hanggang saan ka lang ba talaga dapat.



Parang pag sa dagat. Wala ka naman makikitang malaking marka o paalala na "hanggang dyan ka lang" o "ito na ang dulo".

Siguro ayos lang naman na ginagawa mo yung kaya mong gawin para mahakbangan yung iniisip ng iba na limitasyon mo. Pero minsan mahirap din yung pilit ka ng pilit, hindi na pala talaga pwede.

Bibo ka, e. Gusto mo tuklasin pa kung ano mang na sa dulo. Kaso may mga bagay talaga na pag pinilit mo o kinulit mong gawin, nagmumukha ka nang bobo sa huli.

Pero sana nga, no. Lahat na lang ng bagay na hindi na kailangan o hindi talaga pwedeng puntahan e may nakalagay nang babala.

Kahit manakot na lang din sila, wag ka lang mapaisip na subukan..

"sige ka, may multo dito. hahabulin ka."



- Ganun din naman mangyayari, diba? Hahabulin ka ng multo. Multo mo, siguro. O nang kung ano mang nakalakip na parusa o sakit na pwede mong maranasan dahil sa pagpilit.

Pero syempre, pangit din naman yung pagsisihan mo yung bagay na ginusto mong gawin.  

"Ginusto mo yan eh, diba? Panindigan mo, ha?"

Tsaka siguro naman e kahit papaano, natuwa ka sa ginawa mo o sa desisyon mo. Siguro kahit kaonti, eh may saya naman itong naidulot sayo. Kahit saglit, oks narin.

Pangit din naman kasi yung magsisisi ka tapos malulugmok ka, tapos parang buong buhay mo nasira dahil lang sa isang bagay na ikaw din naman may pakana. (syempre maliban na lang sa pagpapakamatay o pagddroga. eh malamang, masisira nga talaga buhay mo nun kaya, ewan. engot mo lang siguro)

Pero hindi nga. Kahit minsan ba, nag tanong ka kahit tungkol sa simpleng bagay ng "hanggang san lang ba ko pwede?" o "Titigil na ba ako?"



Mas mahirap bang magtanong, o mas mahirap panindigan yung desisyon mo hanggang sa parte na kailangan mo nang harapin ang resulta?




Leave a Reply.